Biyernes, Hulyo 22, 2011

BUHAY NA WALANG HANGGAN!

Hindi ito tungkol sa " life after death" or nakita mo ang fountain of youth, kundi tungkol ito sa walang katapusan at  di nakukuntentong kagustuhan ng isang tao sa materyal na bagay. Kaya siguro dumarami ang mga corrupt na tao sa lipunan dahil di ta'yo nakukuntento. Pag tumataas kasi ang kinikita o natatanggap ng isang tao sa trabaho o posisyon sa lipunan ay tumataas din ang pangangailangan at lalo na rin ang mga " wants" ng isang indibidwal. Kung ibabatay natin sa mga politiko, kung noon konsehal pa siya ay Nissan Sentra lang ang kanyang kayang bilhin, ng naging mayor na siya ay naging Mitsubishi Montero na. Pero dito na pumapasok ang pagiging gahaman ng isang tao. Bakit? Dahil minsan sa dahilang di tayo nakukuntento humahanap tayo ng paraan para makamit ang ating mga pangangailangan. Halimbawa para lng makuha ang isang minimithing bagay nangungutang ta'yo para lang makuha ito. Pero kung  sa intelektual na pag-iisip dapat nangungutang ta'yo kung  di kailangan dahil kung tutuusin dito tayo lalong lumulubog, tapos nangungutang tayo para pambayad sa utang hanggang sa  lumubo utang ng isang tayo. Yan ang nangyayari sa Pilipinas ngayon.. Kultura ba natin ito o  dahil di lng tayo talaga kuntento?